Profile



I'm breaking the habit...

Name: Harvey
Age: 15
E-mail: harvey_orbeta1993@yahoo.com

Archieves
October 2008 January 2009 February 2009

Harvz' Blog

Links
Marko
Raya
Ysabel
Miles
Abe
Lizbeth

Song of the Month
Leave Out All the Rest, Faint, My Heroine, Over You, Reinventing Your Exit

Tired...
Friday, January 30, 2009


Boy: 4th quarter na?
Girl: Oh, talaga?
Girl: D ko ramdam...
Boy: Ako ren eh, nag-aral ka ba sa ****?
Girl: D nga eh, bahala na.
Boy: Eh sa ****?
Girl: D rin eh.
Boy: Geh, goodluck! Sana pumasa ka!

Haha! D pa ba kayo sanay dyan? diba ang normal na ginagawa ng isang Pilipino sa loob ng silid aralan(Pasok,Kain,Aral,Kain,Uwi)? Pero kapag ika'y Scientian mag-iiba ang routine mo! Ganito ang isang Xientian (Pasok,Kopya,Tulog,Kain,Uwi)... Bakit may angal ka? Di mo pa ba ito nagawa? Kung ito'y di mo pa nagagawa, isa kang mabuting mamamayan ng Scientian community.

Kung ang ikalawang routine ang iyong ginagamit, isa kang mabuting inspirasyon sa mga susunod na henerasyon ng mga Scientian; maaari mong ipasa ang ganitong mga gawain upang mapagyaman at lalo pang mapa-ganda. Halimbawa: Maaari mong isunod sa pag-kain ang pagtulog muli, syempre; matapos mong kumain ay dapat lamang na ika'y matulog upang hindi maubos ang energy na iyong kinain. Kung ito'y gagamitin mo lamang sa pag-aaral, masasayang ang energy ng iyong kinain at ito'y unti-unting kakainin ng iyong utak. Kaya may dahilan ang mga taong natutulog matapos kumain, MALAS mo nalang kung mahuhuli ka habang natutulog sa klase ng isa sa mga teacher na di mo talaga nais maging guro. Kaya kung ako sayo, matutulog ako sa oras ng teacher na ung akala mo ay hindi ka mapapansin kahit ika'y natutulog sa harapan. Pero kung matinik naman at magaling na guro ang iyong tutulugan, kailangan mo maghanap ng pwesto o mag-paturo ng iba't-ibang istilo ng iyong kapwa kamag-aral. Kung magagawa mo ito ng walang daplis, tiyak na mabubuhay ka ng maayos sa paaralan ng Quezon City Science.

Ang magandang aral ng post na ito ay ang PAGHAHANAP at PAG-AARAL ng iba't-ibang paraan upang matuwa sa loob ng silid aralan maging sa loob ng eskwelahan. Bow..

Pasensya na kung matagal akong di nakapag-post dahil sumakit ang ulo ko sa pag-iicp ng walang saysay na blog na ito.