We just Crossed Enemy Lines!
Wednesday, October 22, 2008
Boy: tapos na! sa wakas tapos na!
Girl: Ang alin? anong tapos na?
Boy: Tapos na ang giyera! Ang perio!
Yan ang nais sabihin ng karamihang Scientian na dumaan sa madugong exams mula Lunes hanggang Miyerkules. Akalain mo ba naman, tapos na ang perio; prang nung isang araw lng bigayan palang ng report cards ah. Mula biyernes ng gabi hanggang linggo ng madaling araw naghanda ang mga estudyante para sa nakakahilong exams! Sa kabutihang palad wala namang nasawi sa labanan, meron lamang ibang nacraan ng bait at na trauma narin ksama noon. Syempre kung may nag-aral, hindi magpapahuli ang mga taong kunwari ay magaling at hindi nag-aral buong weekend. Isa na rito si Harvey, sa palagay ko DotA lamang ang inatupag niya sa buong weekend. Sana pagpalain siya ng Diyos at bigyan ng konting pag-asa upang makapasa. Ang masaklap pa dito, napakahirap ng mga tests at halos wla siyang nasagot sa mga katanungan dito, kawawa naman sya.
Loko talaga yung batang iyon, siguro nadala na siya ngayon. Sa susunod sana mag-aral naman siya para hindi magsisi sa huli. Marami ring katulad niya kaya hindi siya nag-iisa na magdudusa.
Sa Darwin three maraming responsable pero mas marami ang iresponsable. Isang halimbawa ay kunwari magkakaroon ng pasahan ng project sa isang subject sa friday, akalain mo ba naman ay gagawa ang karamihan huwebes ng gabi. Ang tawag dito ay cramming, maraming mahilig dito; yung iba nga hobby na ata nila yon eh dahil palagi nila itong ginagawa. :)) haha...
Sabi nila masaya raw mag-cram pero may pagsisisi rin sa dulo nito, mapagtatanto mo rin sa isip mo na mali pala ito. Pero sa kasamaang palad binabali-wala natin ito at walang habas na inuulit muli at muli at muli at muli... at muli...
Okay, wala nang pasok! Malapit na ang araw ng mga patay, ibig sabihin malapit naring mawalan ng pasok. Masaya to dahil halos isang linggong wlang pasok sa eskwelahan, ang tanging gagawin ng mga tao ay mag-lakbay,matulog maghapon at magbasa ng kung ano-ano. Depende narin yan sa tao kung ano ang nais niyang gawin. Wag mo kasi paki-elaman buhay niya un. haha... Di parin matutuwa c harvey dahil napaka-korny nanaman ng mga araw niya kapag walang pasok, kung iniicp mong GC siya; nagkakamali ka! Gusto niya lang talagang tumunganga maghapon habang nakikipag-usap kung kani-kanino. Syempre may DotA parin paminsan-minsan sa hapon. haha. Adik!
Isang Nakaka-pagod na araw...
Saturday, October 18, 2008
Sweat! Ang tanging nasa balat ng bawat scientian na sumali sa nakakapagod na Journ Conference nuong isang araw sa QUESCIE. May mga hiningal at napagod samantalang meron din naman natulog at tumunga-nga buong araw. Sino kaya ang maaaring gumawa nun? hmm...
Kung may kapaguran meron din namang saya at ginahawa, tapos na ang aming proyekto sa journ at wala na kaming pro-problemahin dito. Sulit ang araw dahil puno rin ito ng tawanan at kalokohan. Makasama mo ba naman kumain ang baliw na side ni Luiz at Arjan, nasubukan mo na bang kumain ng fries na sinawsaw sa coke float na may halo pang ketchup?
Kung hindi pa, subukan mo't masusuka ka. Talagang napagod ang mga tao sa araw na ito lalo na yung harvey, talagang pinagod siya ni sir Panzo. Naisip rin cguro niya na tuwang-tuwa ang kanyang mga kamag-aral sa bahay habang sila ay nanonood ng T.V. Ngunit matapos niya itong maisip, napag-tanto rin niya na siya rin pla ay nakatunganga rin lamang at wlang ginagawa habang nakatingin sa kawalan iniicp ang isang tao.
Bawal ulit itong sabihin dahil bka makarating nanaman ito sa hindi dapat nitong paratingan.
Sa kamalasan nga naman niya, nagsama lamang sila ni arjan habang nagiintay sa mga pesteng editorial cartooning writers. Akalain mo b naman, nagsimula ang drawing-drawing ng alas dose imedya. Sa kamalas-malasan dumating ang iba ng alas dos imedya, ung isa nga dumating limang minuto b naman bago matapos ang contest; kasi ba naman sa sobrang galing niya dalawa ang sinalihan niyang contest. Siguro 10-20 lamang silang nag-aaral sa buong school nila kaya siya nalamang ang napiling lumahok sa ganoong paligsahan.
Pero, d naman nasayang ang paghihirap ni harvey; nilibre naman siya ng isang taong may birthday sa araw na un kasama ang iba niyang kaklase sa KFC. Pero bago un, akalain mo hindi pinapasok c harvey dahil may suot-suot siyang P.E. uniform; wag kayo mag-alala siguro wla na ung guard na un sa mga panahon ngayon. Nakapasok naman siya sa kabilang entrance dahil sa walang kabuhay-buhay ang guard doon. Un na nga, nabusog silang lahat at umuwi ng maaga. Nakakalungkot parin ang araw na un dahil wla c.... Hayzz, Pagod na ko tama na nga, matutulog na ko...hehe.zzz...